Add parallel Print Page Options

18 Sa kabila ng mga salitang ito'y bahagya lamang nilang napigil ang napakaraming tao sa paghahandog sa kanila.

19 Ngunit dumating doon ang mga Judiong buhat sa Antioquia at Iconio; at nang maudyukan nila ang maraming tao, pinagbabato nila si Pablo at kinaladkad siya sa labas ng lungsod, sa pag-aakalang siya'y patay na. 20 Ngunit nang paligiran siya ng mga alagad, tumayo siya at pumasok sa lungsod. Kinabukasan, umalis siya kasama ni Bernabe patungong Derbe.

Read full chapter