Font Size
Mga Gawa 19:10-12
Magandang Balita Biblia
Mga Gawa 19:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Tumagal siya roon nang dalawang taon, kaya't ang lahat ng naninirahan sa Asia[a], maging Judio o Griego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.
Ang mga Anak ni Esceva
11 Gumawa ang Diyos ng mga pambihirang himala sa pamamagitan ni Pablo. 12 Kahit panyo o damit na kanyang ginamit ay dinala sa mga maysakit, at gumaling ang mga ito at lumayas ang masasamang espiritung nagpapahirap sa kanila.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 19:10 ASIA: Nang panahong iyon, ang “Asia” ay tumutukoy sa isang lalawigan na sakop ng Imperyong Romano. Malaking bahagi ng lugar na ito ay sakop ngayon ng bansang Turkey.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.