Font Size
Mga Gawa 24:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 24:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Paratang ng mga Judio kay Pablo
24 Pagkaraan ng limang araw, dumating ang Kataas-taasang Paring si Ananias kasama ang ilang matatandang pinuno, at isang tagapagsalitang si Tertulio. Nagharap sila ng sakdal sa gobernador laban kay Pablo. 2 Nang maiharap na si Pablo, nagsimula si Tertulio sa kanyang pagsasakdal laban dito. Sinabi niya,
“Kagalang-galang na Felix, dahil sa iyo'y nagtamo kami ng matagal na kapayapaan, at dumating ang mga pagbabago sa bansang ito dahil sa iyong pagtanaw sa hinaharap. 3 Sa lahat ng paraan at sa lahat ng dako ay kinikilala namin ito nang may lubos na pasasalamat.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.