Add parallel Print Page Options

Natagpuan namin na ang taong ito'y mapanligalig at nanggugulo sa lahat ng mga Judio sa buong daigdig. Isa siyang pinuno sa sekta ng mga Nazareno. Nagtangka pa siyang lapastanganin ang Templo kaya dinakip namin siya. [Nais sana namin siyang hatulan ayon sa aming Kautusan. Ngunit dumating ang kapitang si Lisias at sapilitan siyang inagaw sa aming mga kamay, at inutusan ang mga nagbintang sa kanya na humarap sa inyo.][a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 24:7 Sa ibang mas naunang manuskrito, wala ang bahaging ito.