Add parallel Print Page Options

Ang Paglalakbay ni Pablo Patungong Roma

27 Nang ipasyang maglalayag kami patungong Italia, inilipat sa senturyong ang pangalan ay Julio, ang pamamahala kay Pablo at sa iba pang mga bilanggo, mula sa mga kawal ng Emperador. Pagkasakay sa isang barkong Adrameto na maglalayag patungo sa mga daungan sa baybayin ng Asia, naglayag kami kasama si Aristarco na isang taga-Macedonia mula sa Tesalonica. Kinabukasan ay dumaong kami sa Sidon. Naging mabuti si Julio kay Pablo at pinahintulutan itong makadalaw sa kanyang mga kaibigan upang siya'y matulungan sa kanyang mga pangangailangan.

Read full chapter