Add parallel Print Page Options

10 Kami nama'y kanilang pinarangalan ng maraming pagpaparangal; at nang magsilayag kami, ay kanilang inilulan sa daong ang mga bagay na kinakailangan namin.

11 At nang makaraan ang tatlong buwan ay nagsilayag kami sa (A)isang daong Alejandria na tumigil ng tagginaw sa pulo, na ang sagisag ay Ang Magkapatid na Kambal.

12 At nang dumaong kami sa Siracusa, ay nagsitigil kami roong tatlong araw.

Read full chapter