Font Size
Mga Gawa 6:1-3
Magandang Balita Biblia
Mga Gawa 6:1-3
Magandang Balita Biblia
Ang Pagpili sa Pitong Tagapaglingkod
6 Habang patuloy na dumarami ang mga alagad, nagkaroon ng reklamo laban sa mga Hebreo[a] ang mga Helenista[b]. Sinabi nilang ang mga biyuda sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay. 2 Kaya't tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga mananampalataya at sinabi sa kanila, “Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay. 3 Kaya,[c] mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking iginagalang, puspos ng Espiritu, at matatalino upang ilagay namin sila sa tungkuling ito.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 6:1 HEBREO: Mga Judiong nagsasalita ng wikang Aramaico.
- Mga Gawa 6:1 HELENISTA: Mga Judiong nagsasalita ng wikang Griego.
- Mga Gawa 6:3 Kaya: Sa ibang manuskrito'y Subalit .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.