Add parallel Print Page Options

10 At dahil sa pagsunod ni Jesu-Cristo sa kalooban ng Diyos, tayo'y ginawang banal dahil sa pag-aalay ng katawan ni Cristo, pag-aalay na minsanan at ang bisa ay magpakailanman.

11 Araw-araw (A) na ginagampanan ng pari ang paglilingkod, paulit-ulit na nag-aalay ng ganoon ding mga handog na hindi naman kailanman nakapapawi ng mga kasalanan. 12 Ngunit (B) minsan lamang naghandog si Cristo ng iisang alay na panghabang-panahon para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Pagkatapos nito'y umupo siya sa kanan ng Diyos.

Read full chapter