Add parallel Print Page Options

27 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay iniwan niya ang Ehipto, at hindi natakot sa poot ng hari; siya ay matiyagang nagpatuloy sapagkat ang Diyos na hindi nakikita ay kanyang nakita. 28 Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, isinagawa niya ang Paskuwa at ang pagwiwisik ng dugo, upang huwag silang galawin ng Tagapuksa ng mga panganay. 29 Sa (B) pamamagitan ng pananampalataya, tinahak ng mga Israelita ang Dagat na Pula na parang lumalakad sila sa tuyong lupa, ngunit nang tangkain ng mga Ehipcio na gawin ito ay nalunod ang mga ito.

Read full chapter