Mga Hebreo 11:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.
7 Sa pananampalataya si Noe, (A)nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong (B)sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay (C)hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng (D)katuwiran na ayon sa pananampalataya.
8 Sa pananampalataya si (E)Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978