Add parallel Print Page Options

Sa (A) pamamagitan din ng pananampalataya, siya'y nanirahan sa lupang pangako bilang dayuhan. Nanirahan siya sa mga tolda kasama sina Isaac at Jacob, na kapwa mga tagapagmana ng gayunding pangako. 10 Sapagkat inaasahan niya ang lungsod na may mga saligan, isang lungsod na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos. 11 Sa (B) pamamagitan ng pananampalataya, bagaman matanda na at baog si Sarah ay tumanggap pa rin siya ng kakayahang magkaanak, palibhasa'y itinuring ni Abraham[a] na tapat ang nangako.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hebreo 11:11 Abraham: Sa ibang manuskrito ay tinutukoy ay si Sarah.