Add parallel Print Page Options

Bilang pari, siya'y tagapaglingkod sa Dakong Banal, sa tunay na tabernakulong itinayo ng Panginoon at hindi ng tao. Dahil itinalaga ang bawat Kataas-taasang Pari upang maghandog ng mga kaloob at ng mga alay, kailangan din na ang ating Kataas-taasang Pari ay magkaroon ng ihahandog. Ngayon, kung siya'y nasa lupa, hindi siya maaaring maging pari, yamang mayroong mga paring naghahandog ng mga kaloob ayon sa Kautusan.

Read full chapter