Add parallel Print Page Options

Ngayon, kung siya'y nasa lupa, hindi siya maaaring maging pari, yamang mayroong mga paring naghahandog ng mga kaloob ayon sa Kautusan. Ang (A) paglilingkod nila ay anyo at anino lamang ng mga bagay na makalangit; tulad din noon nang bigyan ng tagubilin si Moises nang malapit na niyang itayo ang tabernakulo, “Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.” Subalit ang paglilingkod na tinanggap ni Cristo ay higit na marangal, yamang siya'y tagapamagitan para sa isang higit na mabuting tipan, na nakabatay sa higit na mabubuting pangako.

Read full chapter