Add parallel Print Page Options

Ang (A) paglilingkod nila ay anyo at anino lamang ng mga bagay na makalangit; tulad din noon nang bigyan ng tagubilin si Moises nang malapit na niyang itayo ang tabernakulo, “Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.” Subalit ang paglilingkod na tinanggap ni Cristo ay higit na marangal, yamang siya'y tagapamagitan para sa isang higit na mabuting tipan, na nakabatay sa higit na mabubuting pangako.

Sapagkat kung walang kakulangan ang unang tipan na iyon, hindi na sana nangailangan pang humanap ng ikalawa.

Read full chapter