Add parallel Print Page Options

21 Hindi(A) pinalayas ng mga anak ni Benjamin ang mga Jebuseo na naninirahan sa Jerusalem; kaya't ang mga Jebuseo ay nanirahang kasama ng mga anak ni Benjamin sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.

22 Ang sambahayan ni Jose ay umahon din laban sa Bethel; at ang Panginoon ay kasama nila.

23 Ang sambahayan ni Jose ay nagsugo upang tiktikan ang Bethel. (Ang pangalan nga ng bayan nang una ay Luz.)

Read full chapter