Add parallel Print Page Options

11 At sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel, (A)Di ba pinapaging laya ko kayo sa mga taga Egipto, at sa mga (B)Amorrheo, sa mga anak ni (C)Ammon, at sa mga (D)Filisteo?

12 Ang mga Sidonio man, at ang mga (E)Amalecita, at ang mga Maonita ay pumighati rin sa iyo; at kayo'y dumaing sa akin, at pinapaging laya ko kayo sa kanilang mga kamay.

13 Gayon ma'y pinabayaan ninyo ako, at kayo'y naglingkod sa ibang mga dios: kaya't hindi ko na kayo palalayain.

Read full chapter