Add parallel Print Page Options

11 Nang magkagayo'y si Jephte ay yumaong kasama ng mga matanda sa Galaad, at ginawa nila siyang (A)pangulo at pinuno: at sinalita ni Jephte sa (B)Mizpa ang lahat ng kaniyang salita sa (C)harap ng Panginoon.

Ang sugo sa hari sa Ammon.

12 At nagsugo si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon, na nagsasabi, Anong ipinakikialam mo sa akin, na ikaw ay naparito sa akin upang lumaban sa aking lupain?

13 At isinagot ng hari ng mga anak ni Ammon sa mga sugo ni Jephte, (D)Sapagka't sinakop ng Israel ang aking lupain, nang siya'y umahong galing sa Egipto, mula sa Arnon hanggang sa (E)Jaboc, at hanggang sa Jordan: kaya't ngayo'y ibalik mo ng payapa ang mga lupaing yaon.

Read full chapter