Add parallel Print Page Options

16 Kundi nang sila'y umahon mula sa Egipto, at ang Israel ay naglakad sa ilang hanggang sa Dagat na Mapula, at (A)napasa Cades:

17 (B)Nagsugo nga ang Israel ng mga sugo sa hari sa Edom, na nagsasabi, Isinasamo ko sa iyong paraanin mo ako sa iyong lupain: nguni't hindi dininig ng hari sa Edom. (C)At gayon din nagsugo siya sa hari sa Moab; nguni't ayaw siya: at ang Israel ay (D)tumahan sa Cades:

18 Nang magkagayo'y naglakad sila sa ilang, at (E)lumiko sa lupain ng Edom, at sa lupain ng Moab, (F)at napasa dakong silanganan ng lupain ng Moab, (G)at sila'y humantong sa kabilang dako ng Arnon; nguni't hindi sila pumasok sa hangganan ng Moab, sapagka't ang Arnon ay siyang hangganan ng Moab.

Read full chapter