Add parallel Print Page Options

13 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Sa lahat ng aking sinabi sa babae ay magingat siya.

14 Siya'y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan, ni (A)uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing, ni kumain man ng anomang maruming bagay; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya.

15 At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo (B)na ikaw ay aming mapigil, upang maipagluto ka namin ng isang anak ng kambing.

Read full chapter