Add parallel Print Page Options

17 At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, (A)Ano ang iyong pangalan, upang pangyayari ng iyong mga salita ay mabigyan ka namin ng karangalan?

18 At sinabi ng anghel ng Panginoon sa kaniya, (B)Bakit mo itinatanong ang aking pangalan, dangang kagilagilalas?

19 Sa gayo'y kumuha si Manoa ng isang anak ng kambing pati ng handog na harina, (C)at inihandog sa Panginoon sa ibabaw ng bato: at gumawa ng kamanghamangha ang anghel, at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa.

Read full chapter