Add parallel Print Page Options

Dinaya ni Delila si Samson

16 Minsan ay pumunta si Samson sa Gaza at nakakita siya roon ng isang bayarang babae[a] at ito'y kanyang sinipingan.

Ibinalita sa mga taga-Gaza, “Si Samson ay dumating dito.” Kanilang pinalibutan, at inabangan siya nang buong gabi sa pintuang-lunsod. Nanatili silang tahimik buong gabi, na sinasabi, “Maghintay tayo hanggang magbukang-liwayway, saka natin siya patayin.”

Ngunit si Samson ay humiga hanggang hatinggabi, at nang hatinggabi na ay bumangon. Hinawakan niya ang pinto ng pintuang-lunsod, at kapwa binunot, pati ang bakal. Pinasan niya ang mga ito at dinala sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng Hebron.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hukom 16:1 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .