Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y lumakad ang limang lalake at dumating sa (A)Lais, at nakita ang bayan na naroon, kung paanong sila'y tumatahan sa katiwasayan, na gaya ng mga Sidonio, na (B)tahimik at tiwasay: sapagka't wala sa lupain na nagaaring may kapangyarihan na makapagbibigay kahihiyan sa alin mang bagay, at malayo sa mga Sidonio, at walang pagkikipagkasundo sa kaninoman.

At sila'y naparoon sa kanilang mga kapatid sa (C)Sora at Esthaol: at sinabi ng kanilang mga kapatid sa kanila, Ano kayo?

(D)At kanilang sinabi, Kayo'y bumangon at tayo'y umahon laban sa kanila: sapagka't aming nakita ang lupain, at, narito, (E)napakabuti: at natatamad ba kayo? huwag kayong magmakupad na yumaon at pumasok upang ariin ang lupain.

Read full chapter