Font Size
Mga Hukom 19:1-3
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 19:1-3
Ang Biblia, 2001
Kinuha ng Isang Levita ang Kanyang Asawang-lingkod
19 Nang mga araw na iyon, nang walang hari sa Israel, may isang Levita na naninirahan sa malayong dako ng lupaing maburol ng Efraim, ang kumuha ng asawang-lingkod mula sa Bethlehem sa Juda.
2 Ngunit ang kanyang asawang-lingkod ay nagalit sa kanya[a] at iniwan siya at nagtungo sa bahay ng kanyang ama sa Bethlehem sa Juda, at nanatili roon sa loob ng apat na buwan.
3 Ang kanyang asawa ay humayo at sumunod sa kanya, upang makiusap na mabuti sa kanya na bumalik siya. Kasama niya ang kanyang tauhan at ang dalawang magkatuwang na asno. Nang makarating siya sa bahay ng kanyang ama, nakita siya ng ama ng asawang-lingkod, at magalak nitong sinalubong siya.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 19:2 Sa Hebreo ay nagtaksil sa kanya .