Font Size
Mga Hukom 19:13-15
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 19:13-15
Ang Biblia, 2001
13 At sinabi niya sa kanyang alipin, “Halika at sikapin nating marating ang isa sa mga dakong ito; at tayo'y magpapalipas ng gabi sa Gibea o sa Rama.”
14 Sa gayo'y nagdaan sila at nagpatuloy ng kanilang paglakad, at nilubugan sila ng araw sa malapit sa Gibea, na sakop ng Benjamin.
15 Sila'y lumiko roon, upang pumasok at nagpalipas ng gabi sa Gibea. Sila'y pumasok at umupo sa liwasan ng lunsod, sapagkat walang taong magpatuloy sa kanila.
Read full chapter