Font Size
Mga Hukom 19:2-4
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 19:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Ngunit ang kanyang asawang-lingkod ay nagalit sa kanya[a] at iniwan siya at nagtungo sa bahay ng kanyang ama sa Bethlehem sa Juda, at nanatili roon sa loob ng apat na buwan.
3 Ang kanyang asawa ay humayo at sumunod sa kanya, upang makiusap na mabuti sa kanya na bumalik siya. Kasama niya ang kanyang tauhan at ang dalawang magkatuwang na asno. Nang makarating siya sa bahay ng kanyang ama, nakita siya ng ama ng asawang-lingkod, at magalak nitong sinalubong siya.
4 Pinigil siya ng kanyang biyenan, ng ama ng asawang-lingkod; at siya'y nanatiling kasama niya ng tatlong araw. Sa gayon sila'y nagkainan at nag-inuman, at nanatili roon.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 19:2 Sa Hebreo ay nagtaksil sa kanya .