Add parallel Print Page Options

Si Zeba at si Zalmunna ay nahuli at pinatay.

18 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi kay Zeba at kay Zalmunna. Anong mga lalake yaong inyong pinatay sa (A)Tabor? At sila'y sumagot, Kung ano ikaw ay gayon sila; bawa't isa'y nahuhuwad sa mga anak ng isang hari.

19 At kaniyang sinabi, Sila'y aking mga kapatid, na mga anak ng aking ina: (B)buhay ang Panginoon, kung inyong iniligtas sana silang buhay, disin hindi ko kayo papatayin.

20 At sinabi niya kay Jether na kaniyang panganay, Bangon, at patayin mo sila. Nguni't ang bata'y hindi humawak ng tabak: sapagka't siya'y natakot, dahil sa siya'y bata pa.

Read full chapter