Add parallel Print Page Options

53 (A)At hinagis ng isang babae, ng isang pangibabaw na (B)bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo.

54 Nang magkagayo'y (C)tinawag niyang madali ang bataang kaniyang tagadala ng almas, at sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang iyong tabak, at patayin mo ako, upang huwag sabihin tungkol sa akin ng mga tao, Isang babae ang pumatay sa kaniya. At pinalagpasan siya ng kaniyang bataan, at siya'y namatay.

55 At nang makita ng Israel na namatay si Abimelech, ay yumaon ang bawa't lalake sa kanikaniyang dako.

Read full chapter