Mga Panaghoy 1:20-22
Ang Biblia (1978)
20 Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; (A)ang aking puso ay namamanglaw;
Ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik:
(B)Sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.
21 Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin;
(C)Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa:
Iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko.
22 Magsidating nawa ang (D)lahat nilang kasamaan sa harap mo;
At gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang:
Sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978