Mga Panaghoy 1:9-11
Ang Biblia (1978)
9 Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; (A)hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas;
Kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw;
Masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.
10 Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay;
Sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay (B)pumasok sa kaniyang santuario,
(C)Yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan.
11 Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay;
Ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa.
Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978