Mga Panaghoy 2:17-19
Ang Biblia (1978)
17 Ginawa ng Panginoon ang (A)kaniyang ipinasiya; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos (B)nang mga kaarawan nang una;
Kaniyang ibinagsak, at hindi naawa:
At kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway; kaniyang pinataas ang (C)sungay ng iyong mga kalaban.
18 Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon:
(D)Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi;
Huwag kang magpahinga; huwag maglikat (E)ang itim ng iyong mata.
19 Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng (F)mga pagpupuyat;
(G)Ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon:
Igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng (H)iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978