Mga Panaghoy 2:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Ang Panginoon ay naging parang kaaway, kaniyang nilamon ang Israel;
Kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio, kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan;
At kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy.
6 At (A)kaniyang inalis na may karahasan ang tabernakulo niya na gaya ng nasa halamanan; kaniyang sinira ang kaniyang (B)mga dako ng kapulungan:
Ipinalimot ng Panginoon ang takdang kapulungan at (C)sabbath sa Sion,
At (D)hinamak sa pagiinit ng kaniyang galit ang hari at ang saserdote.
7 Iniwasak ng Panginoon ang kaniyang dambana, kaniyang kinayamutan ang kaniyang santuario;
Kaniyang ibinigay sa kamay ng kaaway ang mga pader ng kaniyang mga palacio:
(E)Sila'y nangagingay sa bahay ng Panginoon, na parang kaarawan ng takdang kapulungan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978