Add parallel Print Page Options

12 Ang mga hari sa lupa ay hindi nanganiwala, o ang lahat mang nananahan sa sanglibutan,
Na ang kaaway at kalaban ay papasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem.
13 (A)Dahil nga sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta, at sa mga kasamaan ng kaniyang mga saserdote,
(B)Na nagbubo ng dugo ng mga ganap sa gitna niya.
14 Sila'y nagsisikapa sa mga lansangan na parang mga bulag, sila'y nangadudumhan ng dugo,
Na anopa't hindi mahipo ng mga tao ang kanilang mga suot.

Read full chapter