Add parallel Print Page Options

12 Ang totoo, ang mga taga-Marot ay matiyagang naghihintay sa pagtigil ng digmaan. Pero mabibigo sila dahil niloob ng Panginoon na makarating ang mga kalaban sa pintuan ng Jerusalem.

13 Mga mamamayan ng Lakish, isingkaw ninyo ang mga kabayo sa karwahe at tumakas kayo. Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa ng mga taga-Israel, at dahil sa inyoʼy nagkasala rin ang mga taga-Zion.

14 Kayong mga taga-Juda, magpaalam na kayo[a] sa bayan ng Moreshet Gat dahil sasakupin na rin iyan ng mga kalaban. Sasakupin din ang bayan[b] ng Aczib, kaya wala nang maaasahang tulong ang inyong mga hari mula sa bayang iyon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:14 magpaalam na kayo: sa literal, magbigay kayo ng regalo bilang pamamaalam.
  2. 1:14 bayan: sa literal, bahay.