Font Size
Mikas 1:6-8
Ang Biblia (1978)
Mikas 1:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking (A)ililitaw ang mga patibayan niyaon.
7 At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at (B)ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi.
Ang darating na kagibaan ay kalungkot-lungkot.
8 Dahil dito tataghoy ako, at mananambitan; ako'y yayaong hinubdan at hubad; ako'y uungal na parang chakal, at mananangis na gaya ng mga avestruz.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978