Add parallel Print Page Options

O(A) bayan ko, alalahanin mo kung ano ang isinasagawa ni Balak na hari ng Moab,
    at kung ano ang isinagot sa kanya ni Balaam na anak ni Beor;
at kung ano ang nangyari mula sa Shittim hanggang sa Gilgal,
    upang iyong malaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon.”

Ang Itinatakda ng Panginoon

“Ano ang aking ilalapit sa harapan ng Panginoon,
    at iyuyukod sa harap ng Diyos sa kaitaasan?
Lalapit ba ako sa harapan niya na may mga handog na sinusunog,
    na may guyang isang taon ang gulang?
Nalulugod ba ang Panginoon sa mga libu-libong tupa,
    o sa mga sampung libong ilog ng langis?
Ibibigay ko ba ang aking panganay dahil sa aking pagsuway,
    ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?”

Read full chapter