Add parallel Print Page Options

Ang kasalanang moral ng bansa.

Sa aba ko! sapagka't ako'y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa (A)taginit, gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan: walang kumpol na makain; (B)ako'y nananabik sa unang bunga ng igos.

Ang mabuting tao ay namatay (C)sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao: silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo; hinuhuli ng bawa't isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo.

Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa; (D)ang prinsipe ay humihingi, at (E)ang hukom ay maagap sa suhol; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa: ganito nila nilalala.

Read full chapter