Add parallel Print Page Options

24 Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita: si Hashabia, Sherebia, Jeshua, Binui, Kadmiel,[a] at ang iba pa nilang mga kasama na nakatayo sa kabilang bahagi nila sa oras ng pag-awit sa templo ng mga papuri at pasasalamat sa Dios. Sila ang sumasagot sa awit ng kabilang grupo, ayon sa utos ni David na lingkod ng Dios. 25 Ang mga guwardya ng pintuan ng templo na nagbabantay ng mga bodega na malapit sa pintuan ay sina Matania, Bakbukia, Obadias, Meshulam, Talmon at Akub. 26 Sila ang naglilingkod sa panahon ni Joyakim na anak ni Jeshua at apo ni Jozadak, at sa panahon ni Nehemias na gobernador at ni Ezra na pari at tagapagturo ng Kautusan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:24 Jeshua, Binui, Kadmiel: o, Jeshua na anak ni Kadmiel.