Nehemias 12:44-46
Magandang Balita Biblia
Ambagan para sa Pananambahan sa Templo
44 Nang araw ring iyon, nagtalaga sila ng mga lalaking mamamahala sa mga bodegang paglalagyan ng mga kaloob sa Templo gaya ng mga unang bunga at ikasampung bahagi ayon sa Kautusan. Sila ang kukuha ng mga kaloob para sa mga pari at mga Levita mula sa mga bukirin ng mga bayan, sapagkat sila ang inihanda sa paglilingkod sa gawaing ito. Nagalak naman ang mga taga-Juda sa mga pari at mga Levita, 45 sapagkat(A) tinupad nila ang utos ng Diyos tungkol sa pagiging malinis. Gumanap din ng kani-kanilang tungkulin ang mga mang-aawit at mga bantay ayon sa iniutos ni David, at ng anak nitong si Solomon. 46 Mula pa nang panahon ni Haring David at ng mang-aawit na si Asaf, ang mga mang-aawit na ang nangunguna sa mga awit ng pasasalamat at papuri sa Diyos.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.