Add parallel Print Page Options

Muling Itinayo ang Pader ng Jerusalem

Itinayo ni Eliashib na punong pari at ng mga kasamahan niyang pari ang pintuan na tinatawag na Tupa. Matapos nilang ikabit ang pintuan, itinalaga nila ito sa Dios. Itinayo rin nila at itinalaga ang mga pader hanggang sa Tore ng Isang Daan[a] at sa Tore ni Hananel. Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay ang mga taga-Jerico, at sumunod sa kanila ay si Zacur na anak ni Imri.

Itinayo ng mga anak ni Hasena ang pintuan na tinatawag na Isda.[b] Nilagyan nila ito ng mga hamba, ikinabit ang mga pinto, at ginawan ng mga trangka.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:1 Tore ng Isang Daan: Maaaring ang “isang daan” ay ang taas o lalim ng baitang ng hagdan nito.
  2. 3:3 pintuan na tinatawag na Isda: Maaaring dito pinararaan ang mga isda na dinadala sa lungsod.