Add parallel Print Page Options

16 Ang sumunod sa kanya ay ang anak ni Azbuk na si Nehemias, na pinuno ng kalahating distrito ng Bet Zur. Itinayo niya ang pader na nakaharap sa libingan[a] ni David hanggang sa pinag-iimbakan ng tubig at sa kampo ng mga sundalo.

17 Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay ang mga Levita na pinamumunuan ni Rehum na anak ni Bani. Ang sumunod sa kanya ay si Hashabia na pinuno ng kalahating distrito ng Keila. 18 Ang sumunod sa kanya ay ang mga kababayan niya na pinamumunuan ng anak ni Henadad na si Binui,[b] na pinuno ng kalahating distrito ng Keila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:16 libingan: Ganito ang nasa tekstong Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, mga libingan.
  2. 3:18 Binui: Ito ang nasa dalawang kopya ng tekstong Hebreo, sa Septuagint at Syriac. Karamihan sa kopyang Hebreo, Bavai.