Add parallel Print Page Options

30 Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hananias na anak ni Selemias, at ni Anun na ikaanim na anak ni Salaph ang ibang bahagi. Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Mesullam na anak ni Berechias sa tapat ng kaniyang silid.

31 Sumunod sa kaniya, ay hinusay ni Malchias na isa sa mga platero sa bahay ng mga Nethineo, at sa mga mangangalakal, sa tapat ng pintuang-bayan ng Hammiphcad, at sa sampahan sa sulok.

32 At sa pagitan ng sampahan sa sulok at ng (A)pintuang-bayan ng mga tupa, ang naghusay ay ang mga platero at ang mga mangangalakal.

Read full chapter