Add parallel Print Page Options

Sinabi pa ng Ammonitang si Tobia na nasa tabi ni Sanbalat, “Kahit asong-gubat[a] lang ang sumampa sa pader na iyan, mawawasak na iyan!”

Agad akong nanalangin, “O aming Dios, pakinggan nʼyo po kami dahil hinahamak kami. Sa kanila po sana mangyari ang mga panunuya nilang ito sa amin. Madala sana sila sa ibang lugar bilang bihag. Huwag nʼyo po silang patawarin dahil sa panghahamak[b] nila sa inyo sa harap naming mga gumagawa ng pader.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:3 asong-gubat: sa Ingles, “fox.”
  2. 4:5 panghahamak: o, pagpapagalit.