Font Size
Nehemias 9:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Nehemias 9:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ipinahayag ng mga Israelita ang Kanilang mga Kasalanan
9 Nang ika-24 na araw ng buwan ding iyon, nagtipon ang mga Israelita para mag-ayuno. Nagdamit sila ng sako at naglagay ng alikabok sa kanilang ulo.[a] 2 Hindi nila isinama sa pag-aayuno ang mga dayuhan. Tumayo sila at ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasalanan ng kanilang mga ninuno. 3 Nakatayo sila sa loob ng tatlong oras habang binabasa sa kanila ang Kautusan ng Panginoon na kanilang Dios. At sa loob din ng tatlong oras, ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sumamba sa Panginoon na kanilang Dios.
Read full chapterFootnotes
- 9:1 Nagdamit … ulo: Upang ipakita ang kanilang pagsisisi.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®