Add parallel Print Page Options

14 Itinuro mo sa kanilang ipangilin ang Araw ng Pamamahinga
    at ibinigay mo sa kanila ang iyong Kautusan sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.

15 “Nang(A) sila'y magutom, binigyan mo sila ng pagkaing mula sa langit;
    at nang sila'y mauhaw, pinainom mo ng tubig mula sa bato.
At sa kanila'y sinabi mo na sakupin ang lupaing
    sa kanila'y ipinangako mong ibigay.
16 Ngunit(B) naging palalo ang aming mga ninuno,
    nagmatigas sila at sinuway ang mga utos mo.

Read full chapter