Mga Bilang 26:57-62
Magandang Balita Biblia
Ang Lipi ni Levi
57 Ang lipi naman ni Levi ay binubuo ng mga angkan nina Gershon, Kohat, at Merari. 58 Kabilang din sa liping ito ang mga sambahayan ni Libni, Hebron, Mahli, Musi at Korah. Si Kohat ang ama ni Amram, 59 na napangasawa ni Jocebed na kabilang din sa lipi ni Levi. Isinilang si Jocebed sa Egipto. Naging anak nila sina Aaron, Moises at Miriam. 60 Naging(A) anak naman ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 61 Sina(B) Nadab at Abihu ay namatay nang sila'y gumamit ng apoy na di karapat-dapat kay Yahweh. 62 Lahat-lahat, ang natala sa lipi ni Levi ay 23,000, mula sa gulang na isang buwan pataas. Sila'y hindi kabilang sa talaan ng Israel sapagkat hindi sila kasama sa paghahati ng lupain.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.