Add parallel Print Page Options

Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; (A)sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako.

Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;

Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop.

Read full chapter