Add parallel Print Page Options

10 Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang (A)bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay (B)Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig.

11 Tungkol sa Ephraim, (C)ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi.

12 Bagaman (D)kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma`y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila!

Read full chapter