Font Size
Oseas 9:9-11
Ang Biblia (1978)
Oseas 9:9-11
Ang Biblia (1978)
9 Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng (A)Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan.
10 Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang (B)bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay (C)Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig.
11 Tungkol sa Ephraim, (D)ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978