Font Size
Pahayag 11:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 11:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 At pagkatapos (A) ng tatlo't kalahating araw, pumasok sa kanila ang hininga ng buhay na mula sa Diyos. Nagtayuan sila, at nangibabaw sa mga nakakita ang matinding takot. 12 At pagkatapos (B) narinig nila ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Umakyat kayo rito!” Kaya sa ibabaw ng isang ulap ay umakyat sila sa langit, habang minamasdan sila ng kanilang mga kaaway. 13 Nang (C) oras ding iyon ay lumindol nang malakas, at nagiba ang ikasampung bahagi ng lungsod. Pitong libong tao ang namatay sa lindol, at ang iba nama'y natakot at nagbigay-papuri sa Diyos ng kalangitan.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.