Font Size
Pahayag 14:14-16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pahayag 14:14-16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pag-ani sa Mundo
14 Pagkatapos, nakakita ako ng maputing ulap na may nakaupong parang tao.[a] May gintong korona siya at may hawak na isang matalim na karit. 15 At may isa pang anghel na lumabas mula sa templo at sumigaw sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang karit mo, dahil panahon na ito ng pag-aani. Hinog na ang aanihin sa lupa!” 16 Kaya ginapas na ng nakaupo sa ulap ang aanihin sa lupa.
Read full chapterFootnotes
- 14:14 parang tao: o, parang Anak ng Tao.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®